May Mga Lihim Kami ni Ingkong by Luis P. Gatmaitan


May Mga Lihim Kami ni Ingkong
Title : May Mga Lihim Kami ni Ingkong
Author :
Rating :
ISBN : 9715116965
ISBN-10 : 9789715116965
Language : Filipino; Pilipino
Format Type : Paperback
Number of Pages : 32
Awards : Don Carlos Palanca Memorial Awards (2000)

A boy comes to terms with his grandfather's dementia. Based on the author's childhood experience. 2000 Palanca 2nd Prize winner.


May Mga Lihim Kami ni Ingkong Reviews


  • Jayvie


    Kwento ni Luis Gatmaitan M.D.
    Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero
    Nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa Maikling Kathang Pambata (2000) mula sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.
    Kauna-unahang maikling kwentong pambata na binigyan ko ng limang marka.



    Masasabi kong naiiba 'to sa ibang mga kwentong nabasa ko. Iba sa pangkaraniwang kwentong pambatang may happy ending. Malungkot ang kwento. Mangilid ngilid pa nga ang luha ko habang binabasa ko 'to. Dalang dala ako sa kwento pati sa mga larawan.

    Ito ay kwento ni Peping at ng kanyang ingkong o lolo na nag-uulyanin. Pinapakita dito ang pagmamahal ng isang apo sa kanyang tumatandang lolo. Isang makabagbag damdaming kwento na kukurot sa puso ng sino mang mambabasa mapabata man o mapamatanda.

    Mahirap ang pinagdadaanan ng mga nag-uulyanin. Nariyan na hindi nila mawari sa kung anu ang dapat sa hindi. Malimit sa salawal naiihi. Kadalasan ay nagiging isip-bata. At ang pinakamasakit, ay ang makitang hindi ka na pala niya tanda.

    Ayokong maranasan ang naranasan ni Peping. Ayoko, takot ako! Takot akong makitang nahihirapan ang mga taong mahal ko. Takot akong malaman na hindi na ako natatandaan o maalala man lang ng mga taong malapit sa puso ko. Takot ako sa katotohanang may katapusan pala ang lahat. Takot akong mawala na lang agad agad.

    Simple lang ang nais ipahiwatig ng kwento.

    Mahalin natin mga taong malalapit sa atin. Lalong lalo na 'yung mga mas nakakatanda sa atin. Dahil hindi habang panahon makakasama natin sila. Hindi habang panahon makakapiling at madarama natin ang pag-aaruga at pagmamahal nila. Gawin nating makabuluhan ang bawat oras na kasama natin sila dahil hindi natin masasabi kung bukas nandyan pa sila o wala na.


    [image error]

  • Jesslie Balita

    okay

  • Shiloh Macaspac

    so good

  • Maryjane Jualo-Talaid

    cfsgtr2uijfghiop[[poiuytyrrs

  • Sheryl

    My great grandmother has just turned 101! I agree with the author's sentiment that even with old age, opportunities to do day to day work and fruitful activities should still be available for them. It's important to ensure that they keep meaning to their lives and that they always feel their importance radiated from the people around them.

    This simple storybook packs so much. I am reminded to always be patient and kind to my elders. I am reminded of my loving ama and in her last days, how despite her ailments, she always still has us in mind. I am reminded to be more understanding of my mom, who despite not looking at all close to 60, is starting to have worries left and right. I am reminded to be extra loving. For sure when I come close to that age, I'd also want to still be lovingly understood.