
Title | : | Basta |
Author | : | |
Rating | : | |
ISBN | : | - |
ISBN-10 | : | 9789710358397 |
Language | : | Filipino; Pilipino |
Format Type | : | Paperback |
Number of Pages | : | 53 |
Publication | : | First published January 1, 2009 |
Basta Reviews
-
Basta.
-
Nakulangan ako dito. Pero okay pa rin. Sobrang nag-expect lang siguro ako dahil I was blown away noong unang aklat nya na nabasa ko:
Kundi Akala (4 stars). Kaya noong binili ko ito last week sa Ateneo booth ng Academic Book Fair sa SM Megamall, sabi ko, yey, may Allan Popa na naman ako. Kahit mahal tapos sobrang liit at nipis lang nito, gora.
Kaso parang kapos. Hindi ako "kinausap" ng mga tula ni Popa rito. Parang nakatalikod sya o nakatanaw sa iba o sa malayo tapos ako nakaharap sa kanya. Wala connection. May manaka-nakang mga nakakaintrigang tula kagaya ng title poem na Basta at para sa kaibigan kong si Emir Never, here is the poem in its entirety:Patungo sa iyo isaalang-alang ang pinagdaanan
Maganda naman din. May hope na magsimulang muli kung ano man yong namagitang away sa kanila noong kausap nya. Parang life lang. Away. Bati. Away. Bati.
ng bawat himaymay na bumubuo sa papel
sa iyong harap: patlang na walang ipinagbabago
makailang-ulit ka mang magsimula.
Patungo sa iyo sa yugtong ito pagkaraan ng lahat
ng ating nagawa para at laban sa isa't isa,
sa kabila ng ating nalamang kaya nating gawin
sa kapwa, hinihingi sa iyo muli
ang magsimula.
Laban sa iyong pagkakapatda upang
magsaalang-alang ng iyong alam, laban
sa iyong alam, walang-humpay
na patungo sa iyo muli-, ang iyong simula.
At, tsaka yong unang tula rito. Short and direct to the point. The title is Hermetica and here it goes:Mayroon akong lihim hindi ko maaaring
Ang galing lang di ba? Pareho lang pala siguro sila ng iniisip at di sinasabi sa isa't isa? In love kaya sila sa isa't isa haha!
sabihin. Sino ba ang magkapagsasabi
kung ang lihim ko ay hindi mo lihim.
Basta. -
Ang mga tula sa librong BASTA ni Allan Popa ay sumisisid sa loob ng utak ng isang walang pangalang karakter, bagamat gamit ni Popa ang ikalawang katauhan at parang kausap niyang diretso ang mambabasa. Ginagalugad ng anonimang karakter ang kaniyang mga nakaraang alaala habang nakakulong, naghihintay nang paghuhusga sa kaniyang mga akdang sala, at nag-aabang nang katubusan.
Lahat ng mga tula ay nasa wikang Tagalog. Sa aking palagay malalim ang mga salita lalo na’t matagal na akong hindi nakakabasa sa wikang Tagalog. Ito lamang ang aking interpretasyon ng mga tula. Malamang may kanya kanyang interpretasyon ang bawat mambabasa.
Ang mga tula ni Popa ay nakakabahala, dahas, nakakaintriga, at madalas nakakatakot sa kalagiman nang pagkaisip ng karakter. Ang mga tula ay nagbibigay ng posibleng paliwanag sa katauhan ng anonimang karakter. Kung paano nabuo ang kasalakuyan nyang sarili. Kung paano nabuo ang nakakaistorbong niyang pakiramdam na impossibleng makonekta ang nakaraang sarili sa kasalukuyang sarili. Mahirap intindihin ang kaniyang mga intensiyon. Mahirap siyang maunawaan. Madalas kong tinatanong habang ako’y nagbabasa: may natitira pa ba sa kaniyang katauhan o talaga bang parang isa na siyang hayop: walang hiya, mabangis at mapusok? Sa mga tula na ito ginagalugad ni Popa ang natural nating ugaling umasa kaagad: umasang makakuha ng ating pangangailangan at gustong makamtan nang pangmadalian. Pinepwersa ni Allan Popa ang mambabasa na harapin ang mga masasamang intensyon at ugali ng mga tao, pati na rin ang ating kakayahan na tuparin ang mga ito.
Ang litrato sa harap ng libro ay isang batang nagsusuka ng kanyang mga organong nasa loob ng kaniyang katawan. Naisip ko ang tulang ‘Sarili,’ at kung paano sa pagkapanganak, ang mga mahihirap ay may malubhang utang na hindi maaaring bayaran. Walang pwedeng maibigay kahit gaano ka raming hirap na maranasan. Ang litrato sa harap ng libro ay parang komentong panlipunan sa presyo ng pagkabuhay at kung paano minsan ang kahulugan nito ay ang kailangang pagsuko ng mga literal na organong nasa loob ng ating katawan, ang sariling budhi, o sariling kaluluwa. -
angkop ang pamagat na #Basta at ang disenyo sa pabalat ng koleksyong ito. madaldal at pasikut-sikot ang mga komposisyon. mas lamang ang mga pandiwang tumutukoy sa abstract at metapisikal kaysa sa mga panggalang lumalarawan. matipid rin ang pagbantas.
masasabi na sa ganitong aspeto, mas direkta ang mga tula nito kaysa sa nakasanayang laging may pagtatago o pagpapalit. walang pag-aalinlangang talakayin ang mga kadalasang hindi matukoy.
nauuna parati sa akin ang pagpansin sa ganda ng sulat ni #AllanPopa bago pa ang pagkakilala sa mga posibleng kahulugan.
marami ritong imaheng sekswal, relihiyoso, at matalas. maihahalintulad sa pagbabasa nito ang sandaling pag-abot ng mataas na kamalayan sa gitna ng antok, habang tila ba may hiwalay kang sariling pinagmamasdan ka mula sa madilim na sulok ng kwarto.
hindi ito ang tipo ng mga tulang pagkabasa ay hihingian ka ng konklusyon tungkol sa "ibig niyang sabihin". ang ibig sabihin dito ay nasa pagdikta mismo, sa pagdaloy ng iniisip at salita. (sabi nga niya sa isa pang koleksiyon: 'sabihin ang ibig, ibigin ang sabi.')
paborito ko dito ang mga tulang patungkol sa ibang pigura sa kasaysayan (mga pumanaw na pintor, etc.). magandang balik-balikan ang mga tula ni #AllanPopa, parang mahuhusay na pintang sa bawat tingin ay may bago kang makikita.
#bookreview #poetryreview #tula -
Horrifying cover, haunting prose. Too short for my liking.
-
"Hindi ang hubad na katawang inibig at nakamit
hindi ang mukha na humaharap sa iyo
hindi ang kamay na pilit kang inaabot
kundi ang pagkalito at kawalang-magagawa
sa nga matang pinagtataksilan
namulat sa silaw ng liwanag" (Kuha, pg. 31)
___
There's a certain sensuality to it that somewhat felt embarrassing to read, although beguiling as ever, too. It's almost as if watching a stranger stripped in front of you. Poignant at its core and a narrative that's beautiful in its nakedness.
Basta's brilliance can't be contained by its title, as I, the reader, should describe it. However, it sure is the way I felt towards it. The adept narration delivered me from the sinful curbs and alleyways of voluptuous desires—though hiding in the shadows; to the humble hassock in the church's pew, begging for grace and forgiveness.
Masterful in its attempt to walk on a thread so thin and controversial, and ascend unto a satisfactory denouement. My 15th read this year, and a great end to my #FilipinoRead for Buwan Ng Wika.